Friday, October 18, 2013

Pag-unlad ng Nasyonalismong Pilipino

Ang nasyonalismo ay inilalarawan bilang isang marubdob at mataos na pag-ibig sa bayang sinilangan.Sa kasaysayan,ang pagkabuo ng ganitong damdamin ay kaalinsabay ng masidhing hangaring magkabuklud-buklod at maging malaya mula sa pakikialam ng mga dayuhang lakas.Ito ang nagsisilbing pangunahing hakbang sa paghubog ng pambansang kamalayan at sa pagtatampok ng angking kakayahan at identidad sa bansa.Ito ay umuusbong sa kalooban ng mga taong nabubuhay sa isang tiyak na pamayanan ,nagbubuklod ng isang sentimyentong hinubog ng iisang kasaysayan,wika,panitikan,pagpapahalaga,saloobin,tradisyon,pananaw,at relihiyon. Ang nasyonalismo ay bunga ng rebolusyong pransesnoong ika-18 siglosa panahin ni Napoleon Bonaparte bilang reaksiyon sa kolomyalismo.Pagsapit ng ika-19 na siglo,umusbong ang nasyonalismong pilipino.

Rebolusyong Pilipino

Ang galit sa mga opisyal na Kastila at sa mga prayle, na matagal nang kinikimkim ng mga Pilipino, ay unti-unting umabot sa sukdulan noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Noong panahong aktibo ang kilusang propaganda, nagkaroon din ng depresyong ekonomiko na higit na nagpahirap sa mga Pilipinong manggagawa at nakaapekto kahit na sa mga nakatataas na antas sa lipunan noong 1891-1895. Naragdagan pa ito ng pag-atake ng mga pesteng balang sa mga palayan ng Gitnang Luzon noong 1896. Idagdag mo pa rito ang tagtuyot na sumira rin sa iba pang pananim. Ang lahat ng ito ay nagdulot ng krisis pang-ekonomiko na nagpasidhi ng miserableng pamumuhay ng lahat ng Pilipino. Kinailangang kumilos ang lahat at humanap ng mga paraan upang mapabuti ang kalagayan ng bansa!

Nang araw na ipatapon si Rizal sa Dapitan, isinilang ang Katipunan. Nagpapahiwatig ito ng paglilipat ng pamumuno mula sa mga kamay ng mga asimilistang ilustrado tungo sa mga kamay ng isang separatistang lider na kabilang sa mahihirap.

Nang madakip si Rizal, ang mga kasapi ng repormistang La Liga Filipina ay nahati sa dalawa. Ang una ay ang Cuerpo De Compromisarios na nagpatuloy na sumuporta sa La Solidaridad. Ang ikalawa ay binuo ng mga radikal na pinamunuan ni Andres Bonifacio, isang tagasunod ni Dr. Jose Rizal na kabilang sa mga mahihirap. Itinatag ni Bonifacio ang Katipunan upang makipaglaban sa mga Kastila at matamo ang kalayaan sa kamay ng mga mananakop sa pamamagitan ng madugong rebolusyon. 

Thursday, October 17, 2013

Ang Patakarang Pangkabuhayan na nagdulot ng transpormasyon sa mga Pilipino

Bandala- ito ay ang sapilitang pagbrbenta ng mga produkto tulad ng bigas at langis ng niyog sa pamahalaan.
Monopolyo ng Tabako- ito ay ang pagtatanim ng tabako sa mga lugar sa Pilipinas.
Kalakalang Galleon- ito ay ang pangangalakal ng Manila at Acapulco, ito ay tinawag na kalakalang galleon dahil iti ay ginamitan ng barkong galleon.

Wednesday, October 16, 2013

Mga Patakaran ng mga Espanyol na Nagdulot ng transpormasyon sa mga Sinaunang pamayanang Pilipino

Entrada- ito ang unang hakbang sa pananakop ng mga Espanyol. Ito ay isinasagawa sa paggamit ng lakas-militar.
Reduccion- ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-iipon ng mga tao sa isang lugar na tinatawag na cabecera.
Doctrina- mga paring misyonero ang naman ang nangangasiwa sa patakaraang ito. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibibyag sa simbahang kayltoliko ng mga katutubong Pilipino.
Sistemang Encomienda- ito ay nagmula sa salitang encomendar na nangangahulugang "ipagkatiwala". Encomendero ang tawag sa Pilipino o Espanyol ang namamahala sa lupain at mga taong naninirahan dito.
Polo y Servicio Personal- ito ay ang sapilitang paggawa o pag-seserbisyo. Tinatawag na polista ang mga manggagawa sa Polo y Servicio Personal. 
Tributo- ito ay ang pangkalahatang buwis . Lahat ng Pilipinong lalaki na 19 hanggang 60 taong gulang ay may obligasyon magbayad ng 8 reales.

Mga Estratehiya sa pananakop ng mga Espanyol

Ang ebanghelisasyon ay sinasagisag ng krus. Ito ay isinasagawa sa mapqyapang paraan sa pamamagita ng pagpapalaganap ng kristiyanismo.
Ang kolonisasyon ay ipinatupad sa pamamagitan ng lakas-militar. Iti ay sinasagisag ng espada.
Tinawag ng mga Espanyol ang mga Pilipino na mga di-sibilisado, barbaro at pagano. Ang sibilisasyon ay mula sa salitang civitas na nangangahulugang "syudad", ito ay ang masalimuot na pamumuhay sa isang siyudad. Tinawag din nila tayong infieles o pagano na ang ibig sabihin ay walang pinaniniwalaang diyos. 

Monday, October 14, 2013

Mga Layunin sa Pananakop ng mga Espanyol

Ang pananakop ng mga Espanyol ay nagyagal ng 333 na taon. Ipinatupqd ng mga Espanyol ang merkantilismo. Ang merkantilismo ay ang namamayaning kaisipang pang-ekonomiya. Sa patakarang ito, ang mga Pilipino ay bawal makipag-kalakal sa ibang bansa, sila ay maaaring makipagkalaka sa mga Espanyol lamang. Ang pagsakol ay kailangan upang makontrol at tangibg ang bansang mananakop (mother country) ang makinabang sa ginto at iba pang yaman ng sinasakop na lupain (kolonya).
Ang layunin ng mga Espanyol sa pananakop ay ang 3G o God, Gold, at Glory. Layunin nilang palaganapin ang palaganapin ang Kristiyanismo, pamunuan ang ating bansa, at makuha/maangkin ang mga likas na yaman sa atin bansa. Layunin din nilang makaiuha ng panrekado o spices tulad ng paminta, bawang, luya, nutmeg, at cinnamon 
Ang kolonisasyon au isa sa mga estrtehiya sa pananakop ng mha Espanyol. Ito au isinasagawa ng sa pamamagitan ng lakas-militar, ito ay sinusimbolo ng espada.
Ang kristiyanismo ag ginamitan ng estratehiyang ebanghelisasyon na sinasagisag ng krus at bibliya. Ito ay isinasagawa sa mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagpapalqganap ng kristiyanismo.